Monday, May 21, 2007

buko pie files

nanonood ako ng he last holiday ngayon. i'm probably missing most of the movie since i am typing this post. it's been another trying day.


nagpunta ako sa isang seminar kanina. lalo lang lumakas ang opinyon ko about being stuck in a roomful of teachers. ewan ko. someday i hope not to end up like them--- loving the sound of their own voice.

nag-iiyak na naman ako on my way home kanina. di ko alam kung dala lang ito ng regla ko o talagang bumugso na naman ang matinding kalungkutan sa puso ko. alam kong darating atbdarating pa ang mga raw na ganito, na bigla na akong sasalakayin ng lungkot, awa sa sarili at pagsisisi sa mga pangyayari sa buhay ko.


sa isang buwan, kaarawan ko na. hindi ko ito inaabangan, dahil paano ba magsasaya ang pusong naglukluksa? pero mabait ang Diyos at pinagpala niya ako sa aking mga kaibigan. hindi ko kailangang umiyak nang mag-isa. nandiyan ang mga kaibigan kong nagmamahal sa akin na daramay sa akin sa madilim na pagtakda sa araw ng aking kapanganakan.

No comments: