Friday, May 18, 2007

salbahe

mag-ingat ka

masama akong tao
mabagsik ang lason ng inggit
ang dumadaloy sa aking dugo


mag-ingat ka
masama akong tao
dahil sa oras ng aking pighati
nais kong idamay kayong lahat


mag-ingat ka
masama akong tao
lalamunin ko ang liwanag sa mundo
dahil ang puso ko ay naghihinagpis
walang sinuman ang dapat magsaya
pagka’t ako’y nagluluksa

mag-ingat ka
masama akong tao
dahil nangungulila ang labi ko sa tamis ng halik ng pag-ibig
bala ng pagkamuhi at malisya
ang pakakawalan ko sa aking bibig
masaktan kayong lahat!


mag-ingat ka
masama akong tao
sisipsipin ko ang pag-asa
sa inyong mga puso
magdusa kayong lahat


samahan ninyo ako
sa aking pag-iyak

No comments: