Tuesday, May 8, 2007

unang liwanag

akala ko pa naman isang magandang araw and martes na ito. pwera luha, may ngiti sa labi, sinalubong ko ang araw na ito nang malumanay sa aking kalooban. tila tulog yata ang sugat ng puso ko ngayong araw na ito. marahil namamahinga muna dala ng pagod.

ngunit ang kirot ay muling sinundot ng malungkot na balita mula sa kaibigan kong si e. hindi nabuhay ay munting anghel sa kanyang sinapupunan. kinuha ng Maykapal ang kanilang panganay.

hindi ko napigilang lumuha para sa aking kaibigan.

nag-ihip ako ng piping halik sa hangin, kasama ng dasal ng kalakasan at pakikiramay sa aking naulilang kaibigan.

No comments: